Abante Tonite Interactive

Mag-‘frozen’ na lang tayo

By
194

Mag-angkat o importasyon. Ito ang palaging iniisip ng gobyerno at mga stakeholder kapag nagkaroon ng kakula­ngan sa pangangaila­ngan ng mga tao.

Pangunahin ay ang produktong agrikultural tulad ng bigas, gulay, isda at karne. Kapag nagkaroon ng bulilyaso sa produksiyon at supply sa mga nabanggit na produkto, walang ibang naiisip ang gobyerno kundi bumili sa ibang bansa.

Tulad na lamang ng bigas at isda, nakapagtataka na ang mga produktong ito ay nagkukulang samantalang ang Pilipinas ay isang ‘agricultural country’.

Abante Hiring – IT dep

Sa planong importasyon lalo na ng mga ‘frozen food’ nakataya ang kalusugan ng publiko. Ang mga salitang ‘food handling’ at ‘food safety’ ay napakahalaga sa pag-aangkat ng mga pagkain mula sa ibang bansa.

Mandato ng gobyerno na siguraduhin ang ‘food security’ ng bansa para hindi magutom ang mamamayan nito. Kaya naman ang pag-aangkat ng pagkain resulta ng kakulangan sa supply at mababang produksiyon ay isa sa mga opsiyon upang hindi magkagulo ang publiko.

Kabaligtaran ang nangyari, nasa Pilipinas ang International Rice Research Institute o IRRI na nagturo sa mga ‘rice producing country’ kung paano paunlarin at pagandahin ang pagtatanim ng palay para maging bigas. Subalit ang Pilipinas ang siyang nag-aangkat ngayon.

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit isang libong isla, kay dami ng yamang-dagat dahil napapalibutan ng karagatan, subalit ngayon ay mag-aangkat ng galunggong, mapunuan lang ang kakulangan ng murang isda.

***

Dahil sa ‘food security’, ang mga mauunlad nang bansa ay namuhunan sa ‘research and development’ ng mga tinatawag na ‘Genetically Modified Organism’ o GMO. Inumpisahan ito sa mga gulay tulad ng kamatis, talong, zucchini, mais, kalabasa, bigas, gatas at pagkain para sa mga hayop tulad ng baka at baboy. Ma­ging ang isda tulad ng salmon pinag-aralang ‘i-modified’ ang paglaki nito. Ang Estados Unidos at Canada ang mga nangunang bansa sa ‘GMO technology’.

Ilan sa katangiang ng mga ‘GMO pro­duct’ ay matagal masira, malalaki, hindi agad nabubulok at hindi binubukbok dahil ‘insect resistant’.
Hanggang ngayon, mainit pa rin ang debate kung ano ang epekto sa kalusugan ng mga tao ng mga produktong galing sa ‘GMO technology’.

Habang nagtatalo ang mga eksperto sa Gene­tically Modified Orga­nism ang mga produkto nito ay makikita sa pamilihan, ligal o iligal mang nakapasok.

Ligtas nga bang kainin ang mga produktong ito?

Ang University of The Philippines sa Los Baños, Laguna ay nakakuha ng pondo para sa GMO technology mayroon silang bersiyon na BT Talong.

Sino kaya ang nagpondo? Hindi sana mga kompanyang konektado sa pestisidyo tulad ng Monsanto.