Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-iina kinatay sa love triangle

0 145

Patay ang isang ina at dalawa nitong menor de edad na anak nang pagtatagain sa Sanchez Mira, Cagayan kamakalawa ng umaga.

Wala nang buhay nang abutan ng pulisya ang 28-anyos na ina, maging ang 8 at 1-taong gulang nitong mga anak. Dinatnan pa ng mga awtoridad ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima, ang sanggol umano ay halos mahiwalay na ang ulo sa katawan habang ang ina naman ay wakwak ang ilang bahagi ng katawan dahil sa tindi ng pagtaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakaligtas naman ang isa pang anak na 12-anyos makaraang makatakbo palayo para humingi ng tulong. Sa kinasang follow-up operation at sa tulong ng nakaligtas na anak na nakilala ang mga salarin, nahuli ang tatlong suspek na mariin namang itinanggi ang karumal-dumal na krimen.

Gayunman, ayon sa pulisya, tinuturong anggulo ang posibilidad na may matinding galit ang suspek dahil sa love triangle.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang tatlong hinuling suspek habang iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.