Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-iina minasaker ni mister saka nagbigti

0 146

Apat na magkakapamilya ang natagpuang pawang patay sa loob ng kanilang bahay sa Biñan City, Laguna nitong Martes ng tanghali.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Biñan Police, lumalabas na pinatay ng padre de pamilya ang kanyang asawa at ang kanilang dalawang anak bago ito nagpakamatay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Johnny Martinez, 46-anyos; live-in partner nitong si Jolly Espinas, 41; at mga anak nilang sina Winston, 7, at Brixton, isang taong gulang.

Natagpuan ang bangkay ng mag-anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Canlalay dakong ala-1:00 ng tanghali.

May mga sugat sa ulo ang nanay at ang dalawang bata na ikinamatay ng mga ito.

Nakita sa tabi ng mag-iina ang isang duguang martilyo na posibleng ginamit na pamalo ng suspek.

SM food to go Banner Ad

Natagpuan naman ang bangkay ni Martinez na nakabigti sa hagdan ng bahay gamit ang nylon strap habang ang kanyang mga kamay ay sinasabing puno ng dugo.

Ayon sa mga kapitbahay, dakong alas-11:00 ng umaga nang marinig nilang nagkakagulo sa bahay at nag-iiyakan ang mga bata.

Malimit umanong mag-away ang mag-asawa dahil sa kanilang problemang pinansyal at kahirapang dinaranas.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na kitlin ang sariling buhay.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.