Abante Tonite Interactive

Mag-iina, tinadtad ng saksak ng dalawang drug addict

353

Edison Reyes

Sa ginawang paha­yag naman sa pulisya ng kapatid ni ni Jaymee na nakadiskubre sa kanilang bangkay, sinabi niya sa mga imbestigador na nagpasiya na siyang punta­han ang bahay ng kanyang ate matapos aniyang hindi tumugon sa kanyang mga mensahe at hindi na rin nila ma-kontak ang cellular phone nito

Napagalaman pa ng pulisya na nakatakda na sanang umuwi ng bansa ang ina ni Jaymee mula sa pagtatrabaho sa Abu Dhabi at susunduin sana nilang magkakapatid sa pambansang paliparan ng Miyerkules nang gabi subalit hindi tumutugon ang biktima sa mga tawag ng kanyang mga kapatid,

Abante Hiring – IT dep

Maging ang text messages ng kanyang amang si Jaime ay hindi na rin tumutugon ang biktima kaya’t ipinasya na ng mga kapatid ni Jaymee na magtungo sa bahay ng kanilang ate upang alamin ang kanyang kalagayan.

Nang makarating naman sa kaalaman ni San Jose Del Monte City Mayor Arthur Robes, kaagad siyang naglaan ng pabuyang P50,000 sa sinumang makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng mga salarin na magiging daan upang magasagawa kaagad ng pag-TUGIS ang kapulisan.

Tiniyak din ng alkalde na mapagkakalooban ng karapatang ayuda ang pamilya Casabuena buhat sa lokal na pamahalaan, kabilang na ang pag-ako sa pagpapalibing sa mga biktima at pag-aalok na mailibing sa semen­teryong pagmamay-ari ng lungsod.

Sinabi pa ni Mayor Robes na pagkakalooban din ng lokal na pamahalaan ng pinansiyal na tulong ang pamilya Casabuena at aalukin ng trabaho ang ina ni Jaymee na isang overseas Filipino worker sa Abu Dhabi upang hindi na siya umalis na bansa.

Nakakalap naman kaagad sina Lt. Col. Castil ng ilang testigo, kabilang ang dalawang menor-de-edad na kalaro ng mga anak ni Jaymee na silang nagbigay ng deskripsiyon sa katauhan ng dalawang lalaki na nagtanong pa sa kanila kung nasa loob ng bahay ang dalawang batang biktima.

Bukod pa rito may isa pang lumutang na testigo na nagbigay din ng deskripsiyon sa katauhan ng dalawang lalaki nang makita niyang kumakatok sa pintuan ng bahay ng mga biktima noong Martes ng gabi, Abril 2, 2019.

Bago nito, isa ring kapitbahay ng pamilya Casabuena ang nakapansin sa isang lalaking nagkukumpuni ng bubungan at nag-aayos ng trapal Martes ng umaga bagama’t wala naman silang napunang kakaiba hanggang sa matapos ang pagsasaayos ng bubong at trapal.

Tumutugma ang deskripsiyon ng kapitbahay ng mga biktima sa lalaking nagsagawa ng pagkukumpuni sa bubong sa isa sa dalawang lalaking kumatok at nagtungo sa bahay nina Jaymee na namataan naman ng isa ring testigong menor-de-edad.

Dahil dito’y lumaki ang hinala ng mga awtoridad na ang lalaking nagkumpuni ng bubong at trapal sa bahay ng biktima ay isa rin sa dalawang lalaking bumalik kinagabihan, kasama ang isa pang hindi pa kilalang lalaki
Naniniwala rin ang pulisya na kilala ng mga biktima ang isa sa mga salarin kaya’t pinagbuksan nila ng pintuan ang mga ito nang kumatok sa kanilang tirahan sa pagitang ng alas-9:00 hanggang alas-9:30 nang gabi noong araw ng Martes, Abril 2, 2019.