Abante Tonite Interactive

Mag-iina, tinadtad ng saksak ng dalawang drug addict

353

Part 6

EDISON REYES

Lalo pang nagkaroon ng malaking tsansa ang pulisya upang kaagad na madakip ang mga salarin makaraang matuklasan nila na nagpadala pa ng mensahe si Jaymee sa kanyang malapit na kamag-anakan na kalive-in ng kanyang karpinterong si Wilson Nosal.

Abante Hiring – IT dep

Nakasaad sa mensa­he ni Jaymee na ipinadala sa kanyang pinsan na nagtatanong kung bakit nasa kanilang bahay si Wilson, kasama ang isa pang lalaki at humihingi ng tubig na maiinom. Kapwa lasing aniya ang dalawa at nangangamba siya na baka may masamang mangyari sa kanila.

Dahil sa naturang mensahe, naglunsad ng malawakang pag-TUGIS ang puwersa ng kapulisan ng San Jose Del Monte at una nilang pinuntahan ang bahay ni Wilson sa Ascoville, Barangay 185 Malaria, North Caloocan pasado alas-4:00 nang madaling-araw ng Abril 4, 2019 araw ng Huwebes.

Nang matunugan ni Wilson ang paparating na puwersa ng kapulisan, tinangka niyang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon palabas sa bintana ng kanilang bahay patungo sa malawak na ilog na nagsisilbing hangganan ng Caloocan at San Jose del Monte Cities.

Hindi naman nag-aksaya ng oras ang kapulisan at kahit na madilim sa naturang lugar, kaagad nilang pinalibutan ang malawak na lugar hanggang mamataan nila si Wilson na nagtatago sa masukal na bahagi ng ilog.
Nakuha rin ng pulisya ang damit na suot ni Wilson at kasama nang gawin ang krimen na may bahid pa ng mga dugo sa bahagi ng malawak na ilog. Ipinasiya ng dalawa na itapon sa ilog ang mga suot na damit upang hindi na maging ebidensiya laban sa kanila.

Bukod dito, sinabi ni Lt. Col. Castil na may nakuha rin silang damit sa loob ng bahay ni Wilson na may bahid din ng natuyong dugo na kanilang ring isusumite sa PNP Crime Laboratory upang alamin kung tutugma ito sa dugo ng isa man sa tatlong biktima.

Hindi naman naging mahirap sa kapulisan ang paaminin si Wilson sa krimen lalu na’t kusa rin niyang ipinagkaloob sa kapulisan ang mga screen shots ng mga mensahe niya sa cellular phone na magagamit na karagdagang ebidensiya ng pulisya.

Inginuso rin ni Wilson ang kasabuwat niyang si Joselito Cortez sa paggawa ng krimen kaya’t hindi na nag-aksaya ng panahon ang kapulisan at mabilis silang nagsagawa ng pag-TUGIS sa isa pang suspek at kaagad na sinuyod ang mga lugar na puwede niyang puntahan o pagtaguan.

Hindi naman sumablay ang mga pulis sa ginawang pag-TUGIS dahil dakong alas-7:00 nang umaga, nasakote nila sa Barangay San Manuel sa lungsod pa rin ng San Jose Del Monte si Joselito na hindi na rin nagtangka pang manlaban sa umarestong kapulisan.

Sa mismong tanggapan ni Bulacn Provincial Police Office Director Col. Chito Bersaluna dinala ni Lt. Col. Castil ang dalawang panguna­hing akusado sa krimen upang personal silang kausapin ng opisyal at tanungin ang kanilang motibo sa pag-masaker sa pamilya.