Abante Tonite Interactive

Mag-iina, tinadtad ng saksak ng dalawang drug addict

264

EDISON REYES

Nagsagawa naman kaagad ng pagsusuri sa loob ng palikuran ang pulisya at dito nila nakuha ang isang suicide note o liham ng pamamaalam ni Joselito na bagama’t bahagyang nabasa ng tubig ay malinaw namang mababasa ang nakasaad dito.

Sa naturang suicide note, nakalagay ang paghingi niya ng tawad sa nagawa at nagsisisi siya ng malaki. Nawala aniya siya sa sarili nang gawin ang krimen na ayon sa pulisya ay malinaw na palatandaan ng pag-amin na lango siya sa impluwensiya ng droga.

Abante Hiring – IT dep

Nakatawag-pansin din sa pulisya ang lagda ni Joselito na sa halip na Cortez ay Lumba ang ginamit niyang pangalan.

Ayon naman kay Lt. Col. Castil, huli na nang matuklasan nila na ang tunay na pangalan ng nagpatiwakal na akusado ay Joselito Lumba at ginamit lamang niya ang apelyidong Cortez dahil nagtatago siya sa mga kasong kanyang kinasangkutan.

Dugtong pa ng opisyal, nakakuha sila ng warrant of arrest laban kay Joselito na inilabas ng Cavite Regional Trial Court sa kasong homicide sa General Mariano Alvarez kung saan Lumba ang tunay niyang apelyido.

Isisilbi sana nila ang arrest warrant laban kay Joselito bagama’t hindi na nila ito nagawa dahil nagpasya ng magpatiwakal ang akusado habang nasa kostudiya na ng kapulisan.

Naniniwala si Lt. Col. Castil na inuusig ng kanyang sariling konsensiya si Joselito sa ginawa niyang pananaksak sa mga biktima lalo na sa mga batang sina Gabrie­l Anton na nagtamo ng 21 saksak at Joaquin Mateo na may 15 tama ng saka sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Si Joselito rin aniya ang tumadtad ng saksak kay Jaymee at pati ang mukha ng biktima ay halos mawasak na sa tinamong mga tama ng saksak habang nasa impluwensiya ng droga at alak.

Sa mga kriminal nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.