Abante Tonite Interactive

Mag-ina, 2 bata natusta

By
191

Limang katao ang namatay makaraang ma-trap sa sunog na naganap sa panulukan ng C.P. Garcia at Sampaloc Street sa Tondo, Maynila kahapon ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi ang isang mag-ina na kinilala ni Manuel Bermudo na ang kanyang ina na si Annabelle, 30-anyos, at kapatid na si Juliana, 14.

Kinukumpirma pa ng Arson Division ang pagkakakilanlan ng dalawa pang batang biktima na sinasabing nasa walo at siyam na taong gulang. Dineklara namang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Me­dical Center ang kanilang nanay na hindi pa rin natutukoy ang pangalan.

Abante Hiring – IT dep

Hindi na halos makilala ang mga biktima na pawang nangu­ngupahan sa isang apat na palapag na gusali sa nasabing lugar.

Ayon kay Senior Inspector Reden Alumno ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Maynila, nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya ni Ricardo Antoque dakong ala-1:47 ng hapon at tumupok ng siyam na bahay.

Ayon kay Antoque, natutulog siya sa taas ng kanilang bahay nang magising sa tawag ng kanilang mga kapitbahay tungkol sa nagaganap na sunog.

Sinubukan pa umano niyang apulahin ang sunog pero masyado nang malaki ang apoy kaya lumabas na lang siya sa kanilang bahay.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.