Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ina, 2 pa todas sa diarrhea

0 236

Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang residente sa isang barangay sa Davao City dahil sa sunod-sunod umanong insidente ng mga namamatay sa kanilang lugar sanhi ng diarrhea o pagtatae.

Hinala ng regional office ng Department of Health (DOH), sa poso na iniinuman ng mga residente ang puno’t dulo nito.

Sinasabing nakaranas ng pagtatae bago namatay nitong linggo ang mismong purok leader na si Eduardo Edica at ang kanyang anak; isang Jesus Olarte; at isang 77-anyos na babae.

Lahat sila ay mula sa Purok 10, Sitio Balon sa Brgy. Tigatto.

Matagal na umanong pinagkukuhanan ng tubig ang nasabing poso dahil walang supply ng malinis na tubig sa lugar.

Kumuha na ng water sample ang DOH at ang city health office at pinatigil na muna ang pagkuha ng tubig sa poso. Nagsagawa na rin ng rectal swab sa mga residente ng barangay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.