Abante Tonite Interactive

Mag-ina inanod sa Negros

By
5

Nasawi ang isang ginang at limang taong gulang na anak nito nang malunod sa ilog habang tumatawid sa EB Magalona, Negros Occidental kamakailan.

Halos lumobo na ang katawan ng mag-inang Roselyn Panique, 34 at Rey Panique, 5, nang matagpuan ang kanilang katawan mula sa ilog.

Ayon kay Insp. John Llovido, maglalako sana ng panindang isda ang mag-ina bandang alas-nuwebe umaga sa kabilang barangay nang tumawid ang mga ito sa ilog.

Nagkataon na biglang umulan nang malakas at lumakas din ang agos sa ilog sa barangay Gahit, kaya tinangay ang mga ito.

Hapon na nang matagpuan ang katawan ng mag-ina sa tulong ng mga kagawad ng barangay sa lugar