Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ina, pamangkin inanod sa falls

0 223

Patay ang tatlo katao matapos maligo at biglaang magkaroon ng flashflood at anurin ng malakas na agos ng ilog ang mga ito sa Suquib falls sa bayan ng Tayasan, Negros Oriental Martes ng umaga.

Ang mga biktima na hindi nabanggit ng pulisya ang mga pangalan ay isang ginang, 20-anyos na panganay nitong anak na babae at 5-anyos na lalaking pamangkin.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Tayasan Municipal Police Station (MPS) acting chief of police Police Lt. Elvira Catadman, pasado alas-10:00 ng umaga nang magkayayaang maligo ang mga biktima sa Suquib falls.

Nabatid na matiwasay naman ang agos ng tubig sa nasabing falls nang bigla na lang lumaki ang tubig sa ilog at nagsimulang rumagasa dahilan upang tangayin ang mga biktima na ikinasawi ng tatlo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.