Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ina pinaulanan ng bala sa QC

0 111

Patay ang 34-anyos na vendor habang malubha namang nasugatan ang kaniyang nanay nang paulanan ng bala ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang tahanan sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Wala nang buhay nang madala sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Michael Espiritu, 34, may live-in partner, vendor at residente ng Brgy. Pinyahan, habang inoobserbahan pa sa ospital ang kaniyang nanay na si Violy Espiritu, 54, nang tamaan ng ligaw na bala.

Batay sa inisyal na report ng pulisya, alas-9:30 Huwebes ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa NIA Road sa nasabing barangay.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PSMS Marvin P. Masangkay, mula sa pagtitinda ay papasok na sa kanilang tahanan ang mga biktima nang sumulpot ang dalawang suspek na magka-angkas sa isang motorsiklo at pinaulanan ng bala ng baril si Michael.

Tadtad ng bala si Michael habang ang kaniyang ina ay tinamaan ng stray bullet sa kanang balikat. Nasamsam sa crime scene ang 12 piraso ng basyo ng bala ng baril.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.