Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ina pisak sa Honda City, PUP prof tigok din

0 100

Tatlo ang nasawi matapos masalpok ng kotseng may kargang emergency ang nasa unahang motorsiklo sa national highway sa Barangay San Luis, Sto. Tomas City, Batangas Biyernes ng gabi.

Parehong dead on the spot ang mag-inang magkaangkas sa motorsiklo na sina John Paolo Lopez, 21, na siyang driver, at ang backrider nito na 40-anyos na teacher na si Carolina Lopez, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa report ng Sto. Tomas City police, dahil sa pagmamadali nabangga sa likurang bahagi ang motorsiklo ng kasunod na kotseng Honda City na minamaneho ni Jerick Guevarra, 29, kung saan sakay ang may-ari ng kotse na si PUP-Sto Tomas professor Jaime Tesoro Guevarra na isusugod sana sa ospital sa Sto Tomas dahil sa heart attack.

Sa lakas ng impact wasak na wasak ang motorsiklo at nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mag-ina na agad nilang ikinamatay.

SM food to go Banner Ad

Nawalan naman ng kontrol sa manibela ang driver ng kotse kaya bumangga ito sa konkretong pader at sa signage nabakal.

Matapos ang insidente tumakas ang driver ng kotse ni Guevarra at iniwan ang pasyente [Guevarra] na tuluyan na ring binawian ng buhay dahil sa atake at sa aksidente.

Nasugatan din ang isa pang sakay sa kotse na si Bon Andre Dimaculangan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.