Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ina sunog sa napabayaang kalan

0 256

Patay ang mag-ina matapos na masunog ang tinitirhan nilang bahay dahil sa napabayaang bukas na kalan Lunes ng madaling araw sa Pagadian City, Zamboanga Del Sur.

Kinilala ang nasawing biktima na sina Fitty Mae Paderangga, helper, at 2-anyos nitong anak na si Elwood, nakatira sa bahay na pag-aari ni Manolo Quinones sa Benigno Aquino Street, Purok Palmera Barangay San Jose, Pagadian City, Zamboanga Del Sur.

Sa ulat sa Camp Crame kahapon, naganap ang insidente alas-2:10 ng madaling araw nitong Lunes nang magliyab ang kusina dahil sa hindi umano napatay na kalan.

Dahil gawa lang sa kahoy ang bahay ay mabilis na natupok ang kabuuan nito kung saan hindi na nakalabas ang mag-ina na nasa ikalawang palapag.

Tumagal lamang ng halos 20-minuto ang sunog bago ito ideklarang fire under control ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pagadian City.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.