Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ina timbog sa shabu

0 95

Arestado ang isang mag-ina sa Parang, Maguindanao nang makuhanan umano ng ipinagbabawal na gamot kahapon.

Kinilala ni Maj. Christopher Cabugwang, Parang town police chief, ang mga suspek na sina Bai Ungal Mariga, 29-anyos, at ang kanyang ina na si Malayda, 51, kapwa ng Brgy. Gadungan.

Nadakip ang dalawa habang naghahain ang pulisya ng arrest warrant, na inilabas ni Judge Kasan Abdulrakman ng Regional Trial Court Branch 27.

Sinabi ni Cabugwang na ang police teams ay pinapunta laban sa primary suspect na si Ibrahim Mariga, 30, na nakatakas nang makita ang mga pulis na papalapit sa kanilang bahay.

“We remain positive to get the primary suspect soon,” ani Cabugwang.

Nakuha umano mula sa dalawa ang mid-sized packets ng hinihinalang shabu na may street value na P25,000, mga marked money at shabu paraphernalia. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.