Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-inang hacker kalaboso sa kinalat na sex video

0 465

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mag-ina matapos kikilan ang babaeng hinack ang Facebook kapalit ng hindi pagpapakalat sa social media ng sex video.

Nabatid na bumiyahe pa mula sa Sarangani, General Santos City ang biktimang itinago sa pangalang ‘Lyn’ matapos payuhan ng NBI-Sarangani District Office (NBI-SARDO) na pumunta sa Maynila.

Naaresto ang mag-inang sina Jingky Joy Sena at Maricar Sena, matapos ikasa ang entrapment sa Palawan Express sa Pureza branch Sta. Mesa, Maynila sa aktong tinatanggap ni Maricar ang P1,500 at P500 na ipinadala ng biktima.

Kalaunan ay inginuso ni Maricar ang kasapat na si Jingky kaya naaresto rin ng NBI.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ugat ang reklamong isinampa ng biktima sa NBI-Sarangani kung matapos i-hack ni Jingky ang kanyang account at pinalitan ng password at saka ipinadala sa mga kaibigan ng biktima ang kanyang mga sex videos. Sinabi ni Jingky na ititigil laman biya ang pagpapakalat ng sex video kung magpapadala ang biktima ng pera.

Nitong Abril 9 at 11 ay nagpadala ng pera ang biktima sa pamamagitan ng Palawan Express na naging dahilan para maaresto ang mga suspek noong Abril 28.

Isinailalim sa inquest proceedings ang mag-ina sa Manila Prosecutors Office sa kasong robbery extortion na may kaugnayan sa RA 10175 kilala bilang Cyber Crime Prevention Act of 2012, at paglabag sa R.A. 9995 o kilala bilang “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.” (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.