Abante Tonite Interactive

Mag-ingat ka sa DRUG LORD!

100

BINIRO ako ni Cong. Alfred Vargas na mag-ingat ako dahil drug lord daw ang kausap ko.

Idinaan na lang kasi ng actor/politician ang pagkakasangkot sa ­kanya sa isyung kumakalat na viral video ni Sen. ­Leila de Lima na nagbi-­videoke sa isang birthday party kung saan kasama raw niya roon ang suspected drug lord na si Herbert Colangco na nakapiit pa rin hanggang nga­yon sa New Bilibid Prison.

Sinagot ng kampo ni Sen. De Lima na hindi iyun si Colangco kundi si Cong. Alfred Vargas.

Ayon kay Alfred nang nakausap namin kahapon, birthday party iyun ni De Lima noong nasa Department of Justice pa ito.

“Kaibigan kasi ng mommy ko ‘yan, kaya close na rin ako sa kanya. Pumunta ako sa birthday niya sa ­office niya sa DOJ.

“May sore eyes pa ako du’n, tapos ‘yung buhok ko, parang nilipad lang ng hangin kaya ganu’n ang kuha,” natatawan­g ­kuwento ng Representative ng District 5 ng Quezon City.

Nagulat siya paggising niya ­kamakalawa, mahigit 50 text na ang nasa telepono niya at mahi­git 20 ang missed calls. Karamihan ay taga-media para interbyuhin siya tungkol sa isyung iyun. Kaya sinagot niya ito agad.

***

Kahapon ay nagpadala ng official statement si Alfred kaugnay sa pagkadawit sa kanya sa isyung iyun:

A video showing Senator ­Leila De Lima singing at her birthday ­party has gone viral because a voice in the background is narrating that the senator was singing a song for one of her alleged protected big time drug lords, Herbert ‘Ampang’ Colangco.

At the background, however, is not Ampang Co­langco but 5th District-Quezon City Representative Alfred Vargas.

Vargas, who was part of the Liberal Party slate in the May 2016 elections, was celebrating the senator’s birthday that day upon the invitation of Senator De Lima.

“I was at Senator Leila De Lima’s birthday party last year at the DOJ quadrangle as guest,” says Vargas.

I just want to make it clear that it was me in the video and not Mr. Co­langco. I had sore eyes at that time so I had to wear sunglasses and could not properly shake hands with everybody.

“It’s a simple case of mistaken identity, perhaps because the video was blurred.

“Let’s just be careful in making big assumptions like this and be more discerning in forwarding videos that come from unknown sources.”

Natuwa lang si Alfred sa mga fans niya dahil nagagalit sila kung bakit siya ikinumpara kay Co­langco, eh magkalayo sila ng itsura.