Abante Tonite Interactive

Mag-ingat sa alegasyon ng dayaan sa eleksyon

402

Hindi na bago sa ating lahat na kapag nagdaos ng eleksyon at lumabas ang resulta ay laging mayroong duda o alegasyon ng dayaan.

Madalas na nagmumula ang alegasyong ito mula sa mga kandidato na natalo sa eleksyon.

Pero ang pinaka-importante ay ilabas ang mga ebidensiya kung totoong nagkaroon ng dayaan sa halalan.

Abante Hiring – IT dep

Pero maaring paniwalaan natin ay talagang nagkaroon ng kapalpakan ang Commission on Elections (COMELEC) dahil sa kahit apat na ang pagdaraos ng automated elections sa bansa ay tila hindi natuto ang Comelec.

Dapat ay naikorek na ng Comelec ang mga naunang usapin ng kapalpakan sa nakalipas na eleksyon pero umuulit lang ito sa tuwing magdadaos ng halalan.

Kaya naman ay hindi maiaalis na magduda ang publiko sa posibilidad na mayroong dayaan o maniobra sa resulta ng halalan sa bansa.

Isang halimbawa ng kapalpakan ay ang pag-amin ng Comelec na mahinang klase o kalidad ang SD cards na ginamit dahil napakababa ang bid ng kompanya na nakakuha ng kontrata mula sa inaasahan ng Comelec.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Cascuejo ay umabot lang sa 29 million pesos ang bid ng nanalong kompanya sa SD cards kumpara sa inaasahan nito na 80 million pesos.

Parang alam na ng Comelec na talagang mababa ang kalidad ng SD cards pero bakit hinayaan nito na dapat ay ipinaliwanag na kapag mahinang klase o kalidad ay maa-ring maapektuhan ang kredibilidad ng eleksyon.

Dapat talaga na im-bestigahan ang mga kapalpakan ng Co-melec upang hindi na maulit ito sa 2022 elections sa bansa.