Abante Tonite Interactive

Mag-ingat sa leptospirosis – DOH

By
2,611

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa banta ng leptospirosis dahil sa mga nararanasang pagbaha sa iba’t ibang lugar sanhi ng sama ng panahon dulot ng habagat.

Inabisuhan ng DOH ang publiko na huwag lumusong sa baha at kung kinakailangan ay dapat na magsuot ng bota para maiwasan na magkaroon ng leptospirosis na kalimitang nakukuha sa tubig-baha na kontaminado ng leptospira bacteria na nagmula sa ihi ng daga o iba pang infected na hayop.

Kabilang sa sintomas ng leptospirosis ay mataas na lagnat, pananakit ng mga kalamnan, pamumula ng mata, panginginig, ma­tinding pananakit ng ulo at paninilaw ng balat.

“Kung may lagnat na nang dalawang araw, lalo na kung lumusong sa baha, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center upang masiguro ang iyong kalusugan,” paalala ng DOH.