Abante Tonite Interactive

Mag-ingat sa online sellers

By
46

Nagkalat ngayon ang mga nagbebenta sa online. Napakadali kasi ditong mag-post ng mga bagay na iyong ibebenta. Maaari mo siyang gawin sa ilang minuto lamang kasi napa­kadali lang naman ng sistema kagaya ng paglalagay lamang ng mga required information na hinihingi nila sa kanilang site.

At ‘pag nagawa mo na ‘yun ay mga ilang oras lamang matapos si­guro nilang ma-approve ay ipapaskil na nila sa kanilang site ang binebenta mong produkto. May instant business site ka na sa kanilang website.

Isa nga ito sa masasabi nating pinakamabilis na sistema ng mga produktong iyong mahahanapan ng source dahil halos lahat ay nasa website na nila mula sa mga personal na bagay hanggang sa mga gamit sa bahay at sa iyong negosyo ay puwede mong hanapin ang mga maaaring pagkunan ng produkto.

Ngunit sa kabila nito­ ay marami ang nagsasamantala. Nagagamit ng iba ang ganitong kalakaran para makapanloko ng mga online buyers. At siyempre nga naman ‘pag ikaw ay manloloko ay hindi ka gagamit ng iyong tunay na pangalan, address at maging email address ay iyong pepekein.

Ang malaking problema ngayon sa mga nagkalat na panloloko sa mga online buy and sell website ay ang mga taong binibiktima ng mga ito na mga buyers at pati rin ang mga nagagamit nilang mga pangalan at tunay na pagkatao ng isang tao.

Hindi lamang ito ang dapat na problemahin ng mga online buy and sell website kung hindi pati na rin ang paggamit ng mga manloloko ng kanilang website ­para makapagnakaw ng identity ng isang tao.

Marami na ang lumu­lutang na nabibiktima ­pero nakakalungkot na patuloy sa panggagantso­ ang ilang nasa negosyong ito.

Sana ay makaisip ang gobyerno ng magandang hakbang para matigil na ang panloloko sa online dahil kaawa-awa ang mga kababayan nating nabibiktima na walang kalaban-­laban sa modus ng mga manlolokong ito sa online na kapag nakapambiktima na at nakuha na ang pera ay naglalaho na parang bula ang mga nasa likod ng ­online selling at maging ang mga ibinibigay nilang mga contact numbers gayundin ang kanilang online buy and sell website.

Kaya sana naman ay mas mabusisi ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil talagang hindi na maawat ang pagsulpot ng mga ganitong uri ng negosyo.

Isang online buy and sell website ang madalas ireklamo pero nakakalungkot dahil patuloy pa rin ito sa pamamayagpag sa kabila ng marami-rami na ring mga tao ang kanilang nabibiktima.

Sana naman ay mas gawing istrikto ng mga online sellers na kadalasang pinagdadaanan din ng ilang manlolokong nagtitinda ng kanilang mga produkto ­sapagkat imahe nila ang masisira rin kapag patuloy na magamit ito ng mga masasamang-loob.