Abante Tonite Interactive

Mag-ingat sa pagpirma sa waiver

By
353

Dear Atty. Claire,

Hi mam..magtanong lang po ako mam. May pautang po ako na 86k po. Nga­yon po ay hindi sila tumupad sa usapan na arawan na hulog hanggang umabot na po sa due date. Nga­yon po ang gusto nila ay magbigay lang sila araw-araw ng P500.

Ano po mam ang dapat kong gawin? May waiver po kami na pipirmahan sa utang nila. Maraming salamat po at sana ay masagot ninyo ito.. thank u po.. God bless po.

Mariz

Mariz,

As of now ay hindi ko alam ang pinoproblema mo talaga. Ang lahat ng pagde­desisyon ay nasa iyo.

Kung sa palagay mo ay wala ka nang masisingil sa kanila ay tiyak na mapipilitan kang sumang-­ayon sa gusto nila na P500 kada araw lang ang masisingil mo.

Pero alalahanin mo ang proposal na ito dahil baka wala ka nang interest na masi­ngil pa lalo pa na may sinasabi kang waiver na pipirmahan.

Unang-una ay linawin mo ang pag compute ng babayaran nila.

Gaano ito katagal at magkanong inte­rest ba ang maibaba­yad nila.

Mas mainam din siguro kung may mga postdated check silang ma-issue sa iyo para mas may proteksyon ka kung sakaling hindi sila magbayad.
Hindi mo kasi masasabi kung tunay na ba sila sa magiging usa­pan ninyo o hindi.

Isa pang pagkai­ngatan ay ang pipirmahan mong wai­ver kasi baka lumabas na hindi ka na mani­ningil pa ng interes kundi ‘yung principal na utang na lang.

Muli, ang sasabihin ko ay nasa iyo ang pagdedesisyon.

***
Kung may kata­nungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com