Abante Tonite Interactive

Mag-ingat sa tingin

679

Hi there! This is Jack of Iba, Zambales. Want to share with you about the riot na nangyari rito sa amin. Simple lang po naman ang dahilan. Hindi lang naman nagustuhan ng mga kapitbahay ko ang kakaiba raw na tingin ng isa pa naming neighbor.

Well, I’m talking about Richard, dito ipinanganak sa looban pero maraming taon din na nag-stay sa Maynila. Then iyun nga, sinawaan na yata sa Maynila at dito naman nagpirmi ngayon. Contractual go­vernment employee ‘yun sa Maynila.

Ngayon, ni-refer dito sa Kapitolyo ng dating kaklase niya. Napansin ko na rin dati ‘yung si Jack pag tumi­ngin, parang kinikilatis kang hindi maintindihan.

‘Di ko na nga lang pinapansin. Kaso, ‘yung mga tambay dito sa amin, napika na pala sa kanya dahil kala mo raw kung sino. Totoo namang maraming tambay dito pero ako naman, sa loob-loob ko na lang kung may mga kapintasan sila. Wala silang masasabi sa akin dahil tahimik lang ako.

Madali nga kasing pumasok sa gulo, pero pag nandyan na, minsan ‘di mo na alam kung paano lalabas. Ayun, si Jack nakatikim sa mga tao rito. Dalawa lang naman ang gumulpi sa kanya. Pero gumaganti rin ng suntok si Jack. Dumating lang ang mga tanod kaya natigil.

Lesson learned: itigil na niya ang ‘nakaka-lalakeng tingin’.