Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ingat sa virus – Santos

0 231

Hindi na napigilan ni Philippine Basketball Association (PBA) star Arwind Santos na pakiusapan publiko na seryosohin ang pag-iingat at paglaban sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa San Miguel Beer player, dapat alagan ng bawat isa kalusugan dahil na rin sa patuloy na paglala ng situwasyon kahit may iba’t-ibang health at safety protocols laban.

“Sa aking mga kababayan dahil sa pandemyang nangyayari sa mundo at sa bansa, talaga pong hindi na ito biro. Marami na po ang namatay, nahihirapan pati mga hanapbuhay naapektuhan, at ang atin pong kalayaan ay sobrang nabawasan. Pero wala po tayong dapat sisihin,” litanya ng former pro league MVP sa Instagram account niyang arwindsotnas kahapon.

Dinagdag ng 39-year-old, 6-foot-4 cager na dapat manatili hanggang maari sa mga bahay ang lahat at magdasal.

“Alam ninyo po ba na maaari tayong magkaroon at mag-positive sa virus kahit hindi natin nararamdaman ang symptoms nito? Ang pagkawala ng pang-amoy, kati ng lalamunan, lagnat, sakit ng ng katawan, at sipon.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.