Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-ingat, sirit na naman ang COVID

0 176

Mataas na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa ikalawang araw ng Enero 2022 ay pumalo sa 4,600 ang mga bagong kaso mula sa dating halos 168 nakaraang Disyembre.

Ang pagsirit ng kaso ang siya ring magtulak sa IATF na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa alert level 3 simula ngayong Enero 3.

Isa sa itinuturong sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa ay ang bagong variant na Omicron bukod pa sa balikbayan na tumakas ng quarantine hotel at nagkalat ng virus.

Dapat maalarma ang publiko sa pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa kahit marami na ang bakunado dahil ibig sabihin lamang nito na totoo ang resulta ng ilang pag-aaral na hindi armas ang bakuna para hindi ka na tamaan ng virus.

Mag-ingat pa rin tayo kahit protektado na tayo ng bakuna dahil hindi natin alam kung anong klaseng variant ng COVID ang kumakalat sa bansa kaya walang kasiguraduhang makakaiwas tayo sa virus.

Hindi lang ‘yan lumalabas rin na hindi naabot ng Pilipinas ang target na babakunahan kaya marami pa rin tayong mga kababayan ang kakapitan ng COVID.

Ang pagtaas ng kaso ng COVID ay taliwas sa inaasahan nating lahat kung saan ay mayorya na sa mga Pilipino ay bakunado at may booster pa.

Dahil dito, kailangan nating maging maingat. Huwag na munang lumabas kung hindi kailangan. Kung hindi naman maiwasang lumabas ay tiyaking protektado at sumusunod sa health protocol.

Sa totoo lang kasi nawala talaga ang pagsunod sa health protocol nitong holiday. Dumagsa ang mga tao sa mga pamilihan, kainan at pasyalan nang hindi sumusunod sa health protocol.

Bunsod ng pagkalimot o sadyang pagdedma sa health protocol tumaas uli ang kaso at tayo-tayo rin ang dusa dahil sa limitadong galawan.

***

Sa mga politiko namang walang pakialam sa pagdaraos ng pagtitipon kahit may COVID, sana naman ay ikunsidera nyo ang pagsirit ng kaso ngayong panahon dahil baka sa halip na makalamang kayo sa inyong mga kalaban ay malagasan kayo ng mga tagasuporta dahil sa COVID.

Maraming paraan para ipaabot ang inyong programa sa mga botante nang hindi nagtitipon-tipon, maliban na lamang kung wala kayong nakahandang programa kundi pagpaparami lang ng tagasuporta ang gusto ninyong ipangalandakan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.