Abante Tonite Interactive

Mag-isa sa bahay, 6-anyos ginahasa

944

By Armida Rico

Arestado ang isang construction worker makaraang samantalahin nito ang pag-iisa at gahasain ang 6-anyos nitong pamangkin sa loob ng kanilang bahay kahapon sa Pasay City.

Kinilala ni P/Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police ang nadakip na si ‘Jhun’, 47, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, kamakalawa ng alas-11:00 ng umaga nang umano’y gahasain ng suspek ang biktima na itinago sa pa­ngalang ‘Elvie’ sa loob ng bahay nito sa Pasay City.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang 67-anyos na lola ng biktima sa Kalayaan Police Community Precinct upang ipaaresto ang pamangkin dahil sa panghahalay nito sa kanyang apo kamakalawa nang umaga.

Kusa namang sumama ang suspek sa mga awtoridad ngunit todo-tanggi ito sa bintang.

Ayon sa lola, nagsumbong sa kanya ang kanyang apo na pinagsamantalahan siya ng kanyang tiyuhin sa loob ng kanilang bahay nang maiwan itong mag-isa kamakalawa nang umaga.

Sasampahan nga­yon ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Rape) in relation to RA 7610 (Violence Against Women and Children) ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya.