Abante Tonite Interactive

Mag-isang nagsasayaw

553

Nanaginip akong nagsasayaw daw ako. Wala akong nakitang ibang tao at hindi ko rin alam kung nasaan akong lugar. Masaya ako sa panaginip ko habang nagsasayaw mag-isa pero ang kakaiba wala namang akong naaalalang may tugtog o may music habang sumasayaw ako. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Ang panaginip na tungkol sa pagsayaw ay kadalasang sumisimbolo sa kasiyahan at kalayaang gawin ang anumang bagay na gusto mo. Sa iyong panaginip, ikaw lamang mag-isa ang nagsasayaw at ipinapakita nito na nag-eenjoy ka sa buhay mo at sa kung anuman ang sitwasyon mo ngayon.

Ang pagsasayaw ay simbolo ng energetic life, passion, desire deep fee­lings at minsan ay ikinokonek din sa sekswalidad. Ang ganitong panaginip ay ikinukonsi­derang ‘happy dream’ at ang nanaginip ay puno ng enerhiya. Sinabi mo nga na natatandaan mong nag-eenjoy ka naman habang nagsasayaw kahit pa wala kang narinig na musika.

Related Posts

Pag-aralan mo pa rin ang kasalukuyan mong sitwasyon para ganap mong mabig­yan ng interpretasyon ang iyong panaginip. Ano ang nagpasaya sa iyo sa mga nagdaang araw? Ito ba’y dahil sa love, sa isang tagumpay o kaya naman ay dahil paglaya sa isang nakakasakal na relasyon?

Kung ikaw ay nanggaling sa isang masalimuot na relas­yon, ang iyong pana­ginip ay maituturing na victory o kaya ay freedom dance dahil itinuturing mong na­nalo ka nang makalaya ka sa magulong sitwasyon.

Kahit sa aktu­wal na buhay, hindi naman natin kailangan ng musika para makasayaw. Kung meron kang joy na nagmumula sa puso, ang pagsayaw nang walang musika ay hindi mahirap gawin.
Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay pampawala ng stress. Nailabas mo ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng pagsasayaw kahit saglit lang sa iyong panaginip. Gamitin itong inspirasyon dahil masarap mabuhay kung positibo ang iyong pananaw sa lahat ng bagay.
Dream Catcher

***
DISCLAIMER:­ Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panagi­nip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.