Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-live in tulak ng ecstasy, kush tiklo

0 69

Sinalakay ng Philippine Drug Enfrocement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang bahay ng mag-live in na tulak ng iba’t ibang uri ng iligal na droga.

Kinilala sila na sina Jose Mari Singson, 53, at Ana Liza Takezawa, 47. Ayon sa pulisya, alas-1:30 Huwebes ng madaling-araw nang ikasa ang drug operation sa Scout Delgado St. Brgy. Laging Handa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang bahay umano ng mga suspek ang nagsisilbing bodega ng mga iligal na droga. Matapos ang isang linggong surveillance ay agad na ikinasa ang buy-bust na dahilan ng pagkahuli sa mga ito.

Nasamsam sa tahanan ng mga suspek ang 14 gramo ng shabu na may halagang P95,200; 41 piraso ng ecstasy, P82,000; dalawang gramo ng kush, P3,000; isang 9mm Star Pistol, na may limang bala, isang magazine, dalawang cellphone na ginagamit sa transaksyon, at iba’t ibang uri ng paraphernalia. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.