Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-lola, tiyo tinatad sa bahay

0 427

Patay ang isang walong taong gulang na batang babae habang kritikal ang kanyang 84-anyos na lola at 58-anyos na tiyuhin makaraang pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Marang St., Brgy. Maly, San Mateo, Rizal, nitong Lunes.

Bukod sa mga saksak sa katawan may mga palo rin sa ulo mula sa matigas na bagay ang nasawing paslit na kinilalang si Christine Grace Caguioa.

Kritikal naman ang kondisyon sa pinagdalhang ospital ang kanyang lola na si Luningning Caguiao at tiyuhing si Eduardo Caguioa.

Sa inisyal na ulat mula sa San Mateo Municipal Police Station, dakong alas-11:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang Angel Pintor hinggil sa pagkakatagpo sa mga biktima sa loob ng kanilang bahay na pawang duguan dahil sa mga saksak sa katawan.

Agad rumesponde ang pulisya sa lugar at doon ay agad na isinugod ang mga biktima sa Ynares Hospital subalit dead on arrival na ang bata.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen. Isa sa tinitingnan ay pagnanakaw dahil nakatira ang mga biktima sa isang compound kung saan medyo malalayo ang mga kapitbahay at maraming puno ang malawak na paligid.

Aayon din sa mga kapitbahay, mababait ang mga biktima at wala silang kilalang nakaaway ng mga ito.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.