Abante Tonite Interactive

Mag-syut, pumalo sa BEST

235

Uumpisahan ng BEST (Basketball Efficiency and Scientific Training) Center ang 2020 sports program sa pamamagitan ng basketball at volleyball clinics.

Magiging host ang Ateneo College Covered Courts sa Quezon City sa mga klase tuwing Sabado mula Enero 11-Pebrero 29 sa ganap na 8:30 ng umaga-11:30 ng umaga para sa volleyball.

Para ito sa mga Preparatory 1, 2, 3 at 4.
Tinakda naman ang basketball class tuwing Linggo sa Starmall Alabang, Muntinlupa City mula January 12 -March 1 para sa Level 1, 2 at 3.

Aayuda rito ng MILO. Gayundin ng ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Sa iba pang detalye: 8372 3065, 8372 3066, 3411 6260 o sa bestcenter.
inquiry@gmail.com.