Abante Tonite Interactive

Mag-tilapia, bangus kesa galunggong — DA

259

Pinayuhan ni Agriculture Secretary William Dar ang publiko na maghanap na lamang ng ibang isda na pagkukunan ng protina kasunod ng pagsirit ng presyo ng galunggong sa merkado.

Sinabi ni Dar maari naman na bumili na muna ng tilapia at ba­ngus kapalit ng galunggong na nasa P300. -P350 kada kilo.

“Meron namang [ibang] mga sources ng protein, mas mura pa, ‘yung tilapya at ba­ngus. The same protein ay mas marami pa rito kesa galunggong,” ayon kay Dar.

Ayon kay Dar nasa P120 hanggang P130 ang kilo ng tilapia habang nasa P150 naman ang kada kilo ng bangus.

“Ako mas gusto na bibili ng tilapia at ba­ngus kesa galunggong. Wala namang problema ang tilapia basta maganda ‘yung areas where they are raising it,” dagdag pa ni Dar.

Sa Mega Q-Mart wala ni isa man ang nagtitinda ng galunggong dahil sa mataas na presyo nito.

Sa Bulungan Fish Market sa Parañaque City, ang galunggong ay ibinebenta sa P240- P260 kada kilo.

Ayon kay Department of Agriculture spokesperson Assis­tant Secretary Noel Reyes, ang pagtaas ng presyo ng galunggong ay sanhi ng maliit na supply nito sa merkado. (Juliet de Loza-Cudia)