Abante Tonite Interactive

Mag-tiyahin dedmahan pa rin

1,030

NAGKAROON ng hindi pagkakaintindihan nu’n ang dalawang magkamag-anak na babaeng personalidad. Salamat na lang dahil pareho silang edukado, hindi na nila pinalaki pa ang problema, isinarado agad nila ang kuwento.

Pero hanggang ngayon pala, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ay hindi pa rin plantsado ang problema ng magtiyahin.

Kuwento nito, “Hindi pa rin sila nag-uusap, may wall pa rin sa pagitan nila, hindi na bumalik ang dating closeness nila mula nu’n.

“Isa lang ang dahilan ng lahat–pulitika. Ibang klase talagang sumira ng pagkakaibigan, pagkakamag-anak at relasyon ang politics!” tanging nasabi ng aming source.

Akting ng hunk actor parang laging nakakakita ng multo

KAILANGAN pa ngang sumailalim sa workshop ang isang hunk actor na may mahabang role sa isang maaksiyong serye. Maraming nanghihinayang dahil guwapo pa naman siya, pambato rin ang ganda ng kanyang katawan, pero pagdating sa pag-arte ay kulang na kulang pa siya.

“May problema sa pagsasalita niya, may lisping siya, may hangin siya kung mag-dialogue. Saka palagi siyang parang nagugulat, palaging ganu’n lang ang reaction niya.

“Kailangan pa niyang mag-workshop, pansin na pansin ang kakulangan niya sa acting lalo na kapag magagaling na artista ang mga kaeksena niya.

“Hindi puwede ‘yung ganu’n na basta may itsura lang siya, na nagmumura ang mga abs niya, kailangang mag-improve ang acting niya,” pagpansin ng aming kausap.

Sa isang pelikulang pinagbidahan ng hunk actor ay nakaaway niya ang kanyang direktor. Mabusisi ang namamahala ng pelikula, nakukulangan sa emosyong ibinibigay niya sa isang eksena, kaya ipinaulit-ulit ‘yun sa kanya.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Ay, nainis siya! Nagdabog ang lolo n’yo! Sinagut-sagot niya ang director niya! Natural, naging frank ang kapitan ng barko, pinangaralan siya!

“Dapat nga, e, magpasalamat pa siya dahil nagmalasakit sa kanya ang director! Kesa naman sa okey na ang ham acting niya, sino ba ang masisira kapag ganu’n?

“Sayang ang role niya sa serye, ang haba pa naman ng role niya, pero hindi niya ‘yun nabibigyan ng justice! Para siyang nakakakita palagi ng multo, ‘yun ang brand of acting niya!

“Palagi siyang parang gulat na gulat! Kailangan pa niyang mag-workshop para hindi siya napag-iiwanan!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Kris mahina ang sistema

MASELAN pa rin ang kalusugan ni Kris Aquino. Masasakitin pa rin siya. Sa isang panahon na ang akala ng mas nakararami ay naugat na ng mga doktor ang kanyang sakit ay mahina pa rin pala ang kanyang sistema.

Kung walang milyones na pangtustos sa kanyang kundisyon si Kris ay madaling unawain kung bakit hindi pa rin siya nakababawi sa kanyang dinaramdam.

Pero kaya niyang sustinihan ang kanyang sakit, hindi mauubos ang pera niya, dahil hindi naman siya kakapusin sa pampaospital at pambili kahit nang pinakamamahal na gamot.

Hindi nga lahat ay ibinibigay sa isang tao lang. Umaapaw sa materyal na bagay si Kris pero kalusugan naman ang kanyang pinoproblema. May mga pamilyang kapos na kapos pero matitibay naman ang katawan.

Sumusuka rin sa kayamanan si Sharon Cuneta, pero problemang emosyonal naman ang kanyang bitbit, du’n natin maiisip na parehas din ang kapalaran sa iba-ibang aspeto.

Sana’y magkaroon na ng programa sa taong ito si Kris, kailangan niya ng pagkakaabalahan, kapag masyado niyang tinutukan ang kanyang pisikal na kundisyon ay mas magiging sensitibo ang kanyang katawan.

Kailangan siyang maging abala, tutal naman ay maraming kababayan natin ang nag-aabang sa kanyang pagbabalik, wala pa ring nakaaagaw ng kanyang trono kahit pa ilang taon na siyang lumiliban sa pagho-host.