Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol, 4 pa kinidnap sa Taguig

0 269

Patuloy pa ngayong pinaghahanap ng kani-kanilang pamilya ang anim na indibiduwal na dinukot umano ng mga armadong lalaki sa Barangay Bagumbayan sa Taguig City.

Sa ulat, Marso 10 nang makita sa CCTV ng Road 10, Joseph St., Barangay Bagumbayan ang pagdating ng ilang sasakyan lulan ang nasa 20 armadong kalalakihan at pumasok sa iskinita.

Ilang sandali lang ay bitbit na ng armadong grupo ang anim na biktima at isinakay sa kanilang sasakyan.

Kinilala ang dinukot na sina Mark Melvin Tiangco, 29; Mario Unate, 52; kapatid na si Frankie, 42, isang alyas Nicole, isang Jefford at isang hindi pa kilalang lalaki.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una umanong dinampot ang tatlong lalaking nagmemeryenda sa lugar habang ang iba ay sa kani-kanilang mga bahay.

Ayon sa kapatid ng isa sa biktimang si Mark Kevin Tiangco, natutulog umano ito sa bahay ng kaibigang si Benigno Soro-Soro, kakalaya lang sa kasong iligal na droga nang sumugod ang mga armadong grupo at dinakma si Tiongco. Dating staff sa warehouse si Tiangco pero nawalan ng trabaho nang magka-pandemic.

Ang magkapatid namang Uñate na hindi nasangkot sa droga o gulo sa kanilang lugar ay sapilitang dinakma.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.