Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol binugbog, sinakyod ng 8 bagets

0 167

Isa ang patay habang sugatan ang kanyang nakababatang kapatid matapos na pagsasaksakin sila ng walong menor de edad sa Estancia, Iloilo nitong nagdaang Linggo

Base sa report, kinilala ang namatay na si Jaypee Francisco, 33, isang mangingisda sa Brgy. Bayuyan, Estancia.

Sugatan naman ang kanyang kapatid na si si John Dee Francisco, 27.

Nalaman sa imbestigasyon na nagdidiskarga umano ang magkapatid sa feeder port sa Brgy. Poblacion nang bigla na lang lumapit ang mga menor de edad at pinagtulungan silang bugbugin at saksakin.

Isinugod pa sa ospital ang magkapatid pero idineklarang dead on arrival si Jaypee. Nagpapagaling naman si John Dee, na mayroon ding tama ng saksak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinasabing may dati nang away ang mga biktima sa mga menor de edad na madalas tumatambay sa port.

Nataon na nakainom din umano ang mga menor de edad nang mangyari ang pananaksak.

Arestado na ang anim na suspek habang patuloy na hinahanap ang dalawang iba pa.

Isinuko ang mga naarestong kabataan sa Municipal Social Welfare and Development Office. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.