Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol dedbol sa SUV, sinakyang motor nagliyab

0 88

Dead on the spot ang magkapatid na magkaangkas sa motorsiklo matapos araruhin ng SUV ang sinasakyan ng mga ito sa national highway sa Padre Burgos, Quezon Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang sina Enrico Delfin, 32; at Miguel Emmanuel Delfin, 19, residente ng Barangay Unisan.

Ayon sa Padre Burgos police, patungong Pagbilao ang magkapatid nang araruhin ng kasalubong na Mitsubishi Challenger Wagon na minamaneho ng public school teacher na si Christian Asi, 25, sa Barangay Danlagan. Papauwi na sa bayan ng Mulanay ang suspek nang mangyari ang sakuna.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawa sa kalsada at kapwa binawian agad ng buhay. Sumabog at nasunog naman ang motorsiklo sa lakas ng pagkabangga.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ayon sa pulisya, walang suot na crash helmet ang dalawang bitkima.

Inararo din ng SUV ang mga concrete barrier, nakatawid pa sa kanal at sumadsad sa kakahuyan.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng SUV at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.