Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol ginapos, niluray ng Akyat-Bahay

0 418

Kahabag-habag ang sinapit ng magkapatid na babae nang kapwa sila gahasain ng `Akyat-Bahay’ sa Tiaong, Quezon noong Martes ng madaling araw.

Ayon sa report ng Tiaong police, mahimbing na natutulog sa loob ng bahay sa Barangay Lusacan ang magkapatid na itinago sa mga pangalang Jean, 20, at Gina, 14, nang makapasok ang suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw.

SM food to go Banner Ad

Nang magising ang magkapatid, tinutukan umano ang mga ito ng patalim at ginapos ng di nakilalang salarin.

Habang nakatali ang mga kamay, pinagsamantalahan ang dalawa ng suspek.

Matapos ang panghahalay, hinalughog pa ng suspek ang cabinet sa kuwarto at tinangay ang nakitang P700.00 bago tumakas. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.