Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol hinila ni Kamatayan sa balon

0 167

Nabuwis ang buhay ng isang lalaki nang sagipin nito ang kanyang utol na na-suffocate sa nililinis na balon sa bayan ng Bacnotan, La Union nitong Sabado.

Kapwa rin nasawi ang magkapatid na kinilala ng Bacnotan Police Station (BPS) na sina Freddy Espinoy at Federico Espinoy, kapwa ng nasabing bayan.

Sa report ng BPS, unang bumaba si Freddy sa ilalim ng balon na may lalim na 70-feet at ilang minuto lang ay nakaranas ito ng hirap sa paghinga kung saan humingi siya ng tulong sa kanyang kapatid na si Federico.

Dito, ayon sa pulisya, agad namang bumaba si Federico at nagdala ng compressor upang saklolohan ang kanyang utol.

Sa kasamaang palad, nag-malfunction ang compressor sa ilalim ng balon.

Na-rescue ang magkapatid na Espinoy ngunit sila ay dead-on-arrival na sa ospital, ayon sa mga doktor. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.