Abante Tonite Interactive

Mag-utol kumagat sa buy-bust kalaboso

359

Magkasama hanggang kulungan ang isang magkapatid matapos kumagat sa inilatag na buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Poblacion, Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat ng tanggapan ni Baliwag Police chief Lt. Col. Jayson San Pedro,
Kinilala ang magkapatid na sina Jherome Dela Cruz y Santos alyas ‘Kalbo’ at Francisco Dela Cruz y Santos alyas ‘Jonjon’.

Pasado alas-11:00 ng tanghali nang isailalim sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ang magkapatid na nagtutulak umano ng droga sa Brgy. Poblacion.

Nahulihan sila ng limang pakete ng shabu at nabawi rin ang P500 na ginamit sa buy-bust operation.

Napag-alaman na ang suspek na si Jherome ay kalalaya pa lamang matapos makulong ng halos tatlong taon dahil rin sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. (Jun Borlongan)