Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol na bata nasabugan ng LPG

0 243

Alcohol binuhos ng natarantang nanay

Aksidenteng nasugatan ang dalawang batang lalaki matapos magliyab ang LPG na pinaglulutuan ng kanilang nanay sa Nasugbu, Batangas Martes ng gabi.

Nagtamo ng mga paso ang mga magkapatid na sina Lexter Isaiah Motos at Christof Francis at isinugod sa ospital.

Batay sa report ng Nasugbu police, nagsindi ng kalan ang kanilang nanay na si Emelda Dumulot-Motos para magluto ng hapunan nang bigla na lang itong magliyab dahil sa gas leak.

Sa takot at kalituhan ng nanay at sa pagmamadaling maagapan ang apoy, nabuhusan niya ito ng alcohol sa halip na tubig na lalong ikinaliyab.

Naapula rin naman agad ang sunog ng mga rumespondeng kapitbahay bago ito tuluyang nakapaminsala sa kabahayan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.