Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol na Bidaure sasagupa sa OQT

0 123

Sisimulan ng apat na miyembro ng World Archery Pilipinas tahakin ang hagdan sa mahigipit na pinaglalabanang silya sa quota places na pupuno sa mga sasabak sa nausog na Tokyo 2020 Olympics sa 2021 Archery World Cup – Stage 3 Final Qualification Tournament Hunyo 18-21 sa Paris, France.

Sasagupa ang magkapatid na sina Pia Elizabeth at Gabrielle Monica Bidaure kasama sina Jason Feliciano at ang US(based na si Riley Silos sa susunod na tatlong araw na torneo na magdedetermina sa mga atletang pupuno sa paglalabanang mga kategorya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isasagawa ng French capital ang recurve men’s at women’s team competitions Sabado at Linggo, Hunyo 19 at 20, pati ang panghuling individual event sa Lunes, Hunyo 21.

Nakataya ang mga silya sa tatlong araw na torneo na paglalabanan ng 70 bansa sa huling World Archery qualifier sa Charlety Stadium. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.