Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol na lola timbog sa shabu

0 67

Arestado ang magkapatid na lola sa anti-illegal drugs operation sa Lucena City nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng Lucena City police ang mag-utol na senior citizen na sina Gloria De Chavez alyas Mommy, 61, at Zenaida De Chavez, 60, parehong residente ng Barangay Mayao Crossing.

Ang mga ito ay may mga dati na ring kaso ng iligal na droga.

Natiklo ang dalawa matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Quezon Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence branch at mga tauhan ng Lucena PNP, sa mismong tahanan ng mga suspek kung saan kumagat ang mga ito sa pain at nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500.

Bukod dito nakumpiska pa sa dalawa ang 28 pang sachet ng shabu na nasa 38 gramo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.