Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol na nagsosyo sa holdap bulilyaso

0 108

HINDI umubra ang modus operandi ng mag-utol na holdaper na nagpanggap na kustomer at tumangay ng tinatayang P18K sa isang tindahan sa Tanza, Cavite.

Kinilala ang magkapatid na sina Abdul Rahim Madrona, 42 at Omar, 43, kapwa taga-Kalayaan, Kawit, Cavite na naaresto matapos ang habulan.

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario, ng Tanza Police, alas-2:50 Biyernes ng hapon nang maganap ang insidente sa tindahan ni Edgar Padulla, 50, ng Casa Amaya Subd., Brgy Amaya 1, Tanza, Cavite kung saan nagkunwang bibili ng softdrinks ang dalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang buksan ni Padulla ang gate ng tindahan, bigla nang pumasok ang dalawa, kinaladkad ang biktima at tinutukan ng baril.

Pumalag ang biktima pero pinalo siya ng baril sa ulo saka sinimot ang P18K halaga sa tindahan sabay takas.

Tiyempo namang may nagpapatrulyang pulis na humantong sa habulan hanggang sa makorner ang suspek at marekober ang kalibre 38 na baril at screw driver. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.