Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol na Parojinog namatay sa health isyu – PNP

0 57

Namatay sanhi ng komplikasyon sa karamdaman ang magkapatid na Parojinog, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan kahapon.

Nauna rito, matapos ang pagkamatay sa loob ng selda ni dating Ozamis City councilor Ricardo ‘Ardot” Parojinog nitong Biyernes ng umaga ay kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na namatay din sa loob ng selda ang kapatid nitong si Melodina ‘Apyat” Parojinog-Malingin.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, kinumpirma ng PNP chief na nasawi din sa loob ng kanyang selda nitong Linggo si Parojinog-Malingin.

Si Ardot Parojinog at kapatid na si Apyat Parojinog-Malingin ay nahaharap sa kasong violation of Republic Act No. 9165 at Republic Act No. 10591.

Ayon kay Cascolan, si Apyat Parojinog-Malingin ay nasawi dahil sa ardiogenic shock secondary to intractable cardiac arrhythmia Atrial Fibrillation to Ventricular Tachychardia secondary to massive gastrointestinal bleeding secondary to Uremic Gastropathy.

Nauna ng sinabi ni Police Regional Office (PRO) 10 Regional Director Brig. Gen. Rolando Anduyan na namatay naman sa sakit sa puso si Ardot at possible ding COVID-19 base sa inisyal na pagsusuri ng Scene of the Crime Operative (SOCO). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.