Abante Tonite Interactive

Mag-utol na Rivero, Ravena sikat sa Twitter kayo na!

By
0 374

Dalawang pares ng magkapatid na basketball players ang nasa listahan ng top 10 “most tweeted about athlete” ng Twitter Philippines (@TwitterPH) ngayong 2018.

Kabilang dito sina Ricci at Prince Rivero, at sina Thirdy at Kiefer Ravena.

Galing De La Salle University sina Ricci at Prince, lumipat si Ricci sa UP at binubuno ang one-year residency nga­yong taon bago makapag­laro para sa Fighting Maroons sa susunod kasama ni Kobe Paras.

Ibang istorya siguro ang UAAP 81 Finals kung nakapaglaro na sina Rivero at Paras.

Pero tulad ng nangyari, naidepensa ng Ateneo ang titulo sa pangunguna ni Thirdy na nagpasabog ng career-high 38 points sa Game 2 at tinanghal na Finals MVP.

Suspendido ng FIBA ang dating King Eagle na si Kiefer at sa August pa inaasahang makakabalik sa NLEX sa PBA.
Ang apat na babae sa listahan ay puro volleyball players.

No. 1 sa listahan si Ricci, at ang order ay sina Alyssa Valdez, Gretchen Ho, Manny Pacquiao, Mika Reyes, Thirdy, Kiefer, Aby Maraño, Prince at Brent Paraiso.

Sa kabilang banda, sorpresang naungusan ng #UAAPSeason80Volleyball ang basketball bilang “most tweeted about sports hashtags” ng taon.

Kasunod nito ang #Olympics, #NBA, #NBAFInals, #PVLonABSCBN, #LabanPilipinas, #AsianGames2018, #WorldCup, #UAAPSeason81, at #NBAPlayoffs.