Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol na tulak utas sa police ops

0 149

Patay ang magkapatid na drug suspect makaraang kumagat sa inilatag na buy-bust operation habang lima naman ang arestado sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan kamakalawa.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang mga nasawing suspek na sina Jonathan at Nasruden Nawal, nasa wastong gulang. Alas-tres ng madaling araw ginawa ang operasyon sa mga suspek pero habang nasa kasagsaan ng transaksyon ay nakatunog umano ang ito kaya bumunot ng baril, nagpaputok at tinangkang tumakas lulan ng van sa Perez Road, Brgy. Perez, Meycauayan City.

Nasamsam sa lugar ng insidente ang isang caliber 38 revolver, isang 9mm colt, siyam na pakete ng shabu, sampung bala at marked money.

Samantala, kinilala ng Bocaue at Baliwag Police ang mga naarestong sina Edgardo Garcia, 48; Joseph Torres, 21; Jonathan Garcia, 40; Sherwin Dusa, 22; at Danilo Sapida, 33, na pawang mga nasa drug watchlist.

Nakarekober ng awtoridad sa operasyon ang 13 pakete ng shabu at nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa piskalya ang limang nahuling drug suspek matapos ipasailalim sa drug test. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.