Abante Tonite Interactive

Mag-utol nag-swap ng misis

1,084

Hello po sa lahat. How unique naman itong tsismis ko na tiyak na mapapataas kayo ng kilay. Ang akala ko po ay gadgets lang ang puwedeng i-swap, non pala ay pati mga asa-asawa. Aruy ko po!

‘Yan po ang aking tsismax he he. Kasi naman po itong si Brenan ay umabot sa desisyong ipagpalit ang misis niya sa asawa naman ng utol niya na si Robert.

Ang alam ko hindi pa kasal si Robert dun sa sinasabing asawa niya. Baka kasal lang muna sa banig. Iyun na nga po, nag-usap daw ‘yung magkapatid na palit na lang daw sila ng asawa dahil hindi nga raw po nanganganak ‘yung nakuha niyang esmi kahit na anong diskarte ang gawin niya sa gabi. Wow, at pumayag naman daw si Robert kay Brenan na younger utol niya. Sa totoo lang daw, may kakayahang magbuntis ‘yung misis ni Robert pero ayaw pa raw kasi nilang magkaanak kahit pareho na silang nasa mid-20s.

kahit pareho na silang nasa mid-20’s.

Ang nakaka-wow pa rito ay pareho ring pumayag ‘yung mga asa-asawa nina Brenan at Robert na makipagpalit ng mister. Aba eh may ganong factor po pala! At ang tanong ay papayag na kaya ngayon ang ex ni Ro­bert na magkaanak na?? Ang mga magu-magulang nila ay wala naman daw pakialam sa mga gustong mangyari sa mga buhay-buhay nila. Okay po till next time at sorry po kung bitin pa kayo.

Your kapitbahay,
James of Pangasinan