Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol nakuryente sa pang-online class na antenna

0 85

Binawian ng buhay ang magkapatid na lalaki matapos silang makuryente habang nagkakabit ng internet device para sa online class ng isa sa mga biktima Martes ng hapon sa bayan ng Dimiao sa Bohol.

Dead on the spot ang mag-utol sa lakas ng boltaheng pumasok sa kanilang katawan na sina Tristian Dexter Namoco Hamlag, 26, seaman; at Christian Val Hamlag, 20, college student, kapwa taga-Barangay Limokan Ilaod ng nabatid na bayan.

Sa ulat ni Staff Sgt. Anselmo Naïve ng Dimiao Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente alas 5:30 ng hapon.

Napag-alaman na nagkakabit ng antenna ang magkapatid upang mapalakas ang internet connection sa kanilang bahay para sa online class ng batang biktima.

Subalit natumba ang antenna na parehong hawak nila at tumama ito sa live wire ng poste dahilan upang makuryente ang mga ito.

Ilang minuto ding nawalan ng kuryente sa barangay dahil sa pangyayari. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.