Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol tinimbog sa P34K shabu

0 197

Arestado ang dalawang magkapatid matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer sa ikinasang buy bust operation, kamakalawa sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Nakilala ang mga suspek na sina John Mark Lopez, 34 at Joy Ann Lopez, 33-anyos, kapwa taga-Mandaluyong City at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 916 o comprehensive dangerous drugs act.

Inaresto ang magkapatid alas-11:30 Sabado ng gabi sa Fabella Road, Barangay Addition Hills, matapos ang transaksyon.

SM food to go Banner Ad

Nakumpiska sa dalawa ang isang plastic sachet na naglalaman ng 5 gramo na shabu na nagkakahalagang P34,000.00, P1,000.00 genuine money at P5,000.00 buy-bust money.

Nakakulong ang mga suspek sa Mandaluyong detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.