Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-utol tinodas ng tinaboy sa party

0 336

Patay ang magkapatid matapos saksakin ng isa nilang kabarangay habang nag-iinuman sa Candelaria, Quezon Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ron Fabila Ignacio at Rod Fabila Ignacio, kapwa residente ng Brgy. Sta. Catalina Sur.

Batay sa report ng Candelaria police, masayang kainuman ng mga biktima ang kanilang mga pinsan sa isang pampamilyang okasyon nang dumating ang nakainom nang suspek na si Adrian Driz bandang alas-siyete ng gabi.

Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng magkapatid nang dumating ang suspek matapos pagsabihan ng mga ito na huwag makilahok sa inuman ang ‘di inaasahang bisita dahil na rin sa pag-iwas na masita sila ng kanilang mga barangay official.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa gitna ng pagtatalo, bumunot ng patalim ang suspek at inararo ng saksak ang magkapatid.

Nagtamo ang dalawa ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad isinugod sa ospital subalit idineklara na ang mga itong dead-on- arrival ng doktor.

Tumakas naman ang suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Nahaharap ito sa kasong double homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.