Abante Tonite Interactive

Mag-uutol na bebot kalaboso sa pagtutulak

198

Magkakasama ngayon sa piitan ang tatlong magkaka­patid na babae na sinasabing tulak ng droga nang maaresto sa isinagawang anti-crimina­lity operation sa Quezon City nitong Miyerkoles nang gabi.

Ang magkakapatid ay nakilalang sina Carmie Miranda alyas Carmen, 35; Honelyn Miranda alyas Leleng, 29 at Marylyn Miranda alyas Yheng, 27, na pawang residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Inaresto ang tatlo dakong alas-siyete nang gabi (Agosto 21) sa No. 54B Interior Masaya, Brgy. Gulod, Novaliches, nang nasabing lungsod.
Nasamsam sa magkakapatid ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalagang P20,400.00 tatlong cellular phone at drug paraphernalia.

Sa rekord ng pulisya ay nadakip na rin sa drug operation si Honelyn at napalaya lamang dahil sa plea bargaining.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong drug pushing ang magkakapatid habang sila ay nakakulong sa Novaliches Police Station. (Dolly ­Cabreza)