Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-uutol nagbangayan sa lupa, 2 todas

0 213

Dalawa ang patay habang isa ang sugatan matapos mauwi sa karahasan ang pagtatalo sa lupa ng dalawang pamilya sa Taytay, Palawan nitong Lunes.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Poblacion alas-7 ng umaga ngayong Abril 26.

Kinilala ng Taytay Police ang mga namatay na sina Estanislao Gadiano, 60, at Placido Gadiano, 64, habang sugatan naman si Nelson Gadiano, 57. Magkakapatid ang tatlong biktima.

Sabi ni Taytay Police chief Capt. Regie Eslava, nag-ugat ang krimen sa away sa lupa ng dalawang pamilya.

Habang nagtatalo ang magkakapatid ay dumating ang isa pa nilang utol at anak nito saka sila pinagtataga ng mga ito.

Matapos ay tumakas ang mga suspek na kinilalang si Jose Española, 63, at anak na si Jhuben Española, 30, pero kalaunan ay sumuko rin sa pulisya.

Inihahanda na ang kasong murder laban sa mag-amang suspek. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.