Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mag-uutol nagsosyo sa bentahan ng droga

0 43

Inaresto ng mga awtoridad ang limang drug suspects na kinabibilangan ng tatlong magkakapatid at dalawa pa nilang kasabwat sa buy-bust operation sa isang apartelle sa Brgy. Kristong Hari, Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Danilo Macerin ang naarestong sina Marvin Reyes, 29, na siyang target ng operasyon; at kapatid niyang sina Rosalyn Reyes, 31; at Maricris Reyes, 28; gayundin ang kasabwat nilang sina Oliver Cordora, 31; at Japeth Piedad, 32; pawang taga-Brgy. Tatalon, QC.

Ang mga suspek ay inaresto sa isang buy-bust operation na ikinasa dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng Room no. 23, Crest Apartelle, na matatagpuan sa E. Rodriguez Sr., Brgy. Kristong Hari.

Bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng ‘tip’ ang Station Drug Enforcement Unit ng QCPD-Kamuning Police Station 10 (PS-10) sa pamumuno ni PLt. Col. Alex Alberto, hinggil sa ilegal na aktibidad ni Marvin, na nagbebenta umano ng shabu sa bisinidad ng Brgy. Kristong Hari kaya nagsagawa ng buy-bust operation.

Nang makabili ng P12,500 halaga ng shabu ang isang poseur buyer ay agad nang inaresto ang mga suspek na nakumpiskahan ng P414, 800 halaga ng shabu. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.